Ang Pastol at ang mga Nawawalang Tupa
Kryzal Dee Ardison
Isaac Okwir

Ang batang si Jose ang siyang inatasn ng ama na magpastol ng kanilang mga alagang tupa. Binilinan siya nitong mag-ingat sa lobo na kumakain ng mga tupa. Sa kanyang daan patungo sa bukid ay nakasalubong niya ang kanyang kaklaseng si Mario.

1

Inaya siya nitong maglaro subalit ay hindi siya pumayag sa halip ay nagpatuloy siyang maglakad. "Jose, halika na maglaro tayo habang binabantayan mo ang mga alagang tupa" Dahil na rin sa pagkabagot ay pumayag si Jose sa pagaaya ng kaibigan.

2

Nagsimula silang maglaro ni Mario sa lilim ng puno ng mangga. Samantala hindi nila namalayan na unti-unti na palang lumalayo ang mga alagang tupa ni Jose.

3

Magtatakip silim na nang mapansin ni Jose na wala na ang mga alaga niyang tupa. Dali-dali niyang hinanap ang mga tupa. Labis ang kanyang pag-aalala dahil hindi na niya makita ang mga ito.

4

Nang makarating sila sa dulo ng burol, nakita niya na iilan na lamang ang natirang tupa dahil isa-isa silang pinaslang ng mabangis na lobo. Labis ang pagsisisi ni Jose sa nangyari. Umuwi siya nang nanlulumo sa sinapit ng mga alagang tupa.

5
You are free to download, copy, translate or adapt this story and use the illustrations as long as you attribute in the following way:
Ang Pastol at ang mga Nawawalang Tupa
Author - Kryzal Dee Ardison
Illustration - Isaac Okwir
Language - 0
Level - First paragraphs