Pinagmulan at Pagkakilanlan
Richeanna Leopardez

Pinalabas na agad kami sa silid namin pagkatapos ng aming klase kaya dumiretso na ako sa aming tambayan ng mga bago kong kaibigan.

1

Ako nga pala si Kris Wu, pinanganak ako sa China ngunit may lahi akong Canadian dahil taga Canada ang aking ama.

2

Lumipat kami dito sa Estados Unidos para dito tapusin ang aking pag-aaral. Dito na rin naisipang magtrabaho ng aking ina.

3

Pagdating ko sa lugar, nagkatinginan lang sila at ibinaling ang atensyon sa akin. Unang nagsalita si Mark at tinanong kung meron ba talaga akong lahing Asyano kaya sumang-ayon agad ako.

4

Hindi naman maipinta ang kanilang mga mukha dahil sa sagot ko at sinabing hindi ako nababagay sa kanilang grupo dahil isa akong Asyano. Napangisi nalang ako sa kanilang inasta ngayon lang.

5

Kaya sinabi kong, " O sige, payag ako. Ngunit hindi ko ikinakahiya na isa akong Asyano na may kultura, paniniwala, historya at iba pa. Nanggaling ako sa isang masining na kultura at magrasya ang paniniwala."

6

"Kailangan ninyong tanggapin ang bawat lahi sapagkat tayong lahat ay tao lamang at gawa ng Diyos."

7
You are free to download, copy, translate or adapt this story and use the illustrations as long as you attribute in the following way:
Pinagmulan at Pagkakilanlan
Author - Richeanna Leopardez
Illustration -
Language - None
Level - First paragraphs